Sabado, Pebrero 23, 2013


Ang Mga Magagandang Tanawin sa Norzagaray,Bulacan

 


 Ang Norzagaray,Bulacan ay kabilang sa unang antas ng munisipalidad ng lalawigan ng Bulacan at nasa ilalim ng rehiyon ng Gitnang Luzon. Ayon sa census 2000, ang Norzagaray ay may populasyong 76,978 katao sa 15,912 na kabahayan. Ito ay binubuo ng 13 barangay:

* Bangkal
* Baraka
* Bigte
* Bitungol
* Matictic
* Minuyan
* Partida
* Pinagtulayan
* Poblacion
* San Mateo
* Tigbe
* San Lorenzo
* Friendship Village Resources (FVR) 



Bahay Pamahalaan ng Norzagaray




 Ito ang munisipyo ng Norzagaray, Bulacan. Dito matatagpuan ang mga nahalal na mga pinuno sa Norzagaray. Dito mo rin mahahanap ang lahat ng tungkol sa Norzagaray dahil nandito ang lahat ng mga dokumento tungkol sa aming lugar. Meron ding park dito na pwedeng pasyalan, pwede rin mag bike dito, magbonding ng inyong pamilya, o mga kaibigan. Dito rin natin makikita ang mga larawan ng mga naging punongbayan  ng Norzagaray.


Parokya ni San Andres




Ito ang simbahan ng Norzagaray na magtatagpuan sa Poblasyon,na kung saan ito ay tinatawag na Parokya ni San Andres na aming patron. Dito nagpasalamat ang lahat ng mga Garayeno sa mahal na patron at sa ating Panginoon sa mga magagandang kalikasan na ibinigay niya sa atin at meron ding iba'tibang  bahay dalanginan na matatagpuan sa Norzagaray. Nasunog ito dati subalit sa tulong ng mga mamamayan ng Norzagaray ito ay muling naitinayo. At sa ngayon ito ay patuloy pangpinagaganda sa tulong na din ng mga mabubuting loob ng aming mga kababayan. Kailangan natin laging magsimba at huwag natin kakalimutan ang ating Panginoon na lumikha sa atin at sa mga napakagagandang tanawin sa ating paligid.


Bakas

 

Ang Bakas ay isang makasaysayng lugar na masayang puntahan at bisitahin. Mayroong nakatagong kwento sa mga bato na kung saan sinasabing mga bakas ng paa isang higante na si Bernardo Carpio, kasama ang kanyang alaga na tumawid dito at nakaiwan ng BAKAS, kaya ito ay tinawag na bakas. Isa ito sa mga mgagandang tanawin sa Norzagaray na isa ring ipinagmamalaki ng aming bayan. Ito ay matatagpuan sa Barrio, Matictic. Masarap magpahinga dito at makalanghap ng sariwang hangin. Magandang puntahan ito kasama ang iyong pamilya, o mga kaibigan. Halika na at puntahan ang nakakarelax na ilog na ito sa Norzagaray.


 Ipo Dam

 
 

Ang Ipo Dam ay isang concrete water reservoir na natagpuan sa Norzagaray. Ang Dam na ito ay natagpuan sa 7.5 km sa ibaba ng agos ng Angat Dam sa Norzagaray,Bulacan. Ito ay bahagi ng Angat-Ipo-La Mesa water system. Ang Normal nitong taas ay 110 m. Maganda ng tubig dito at nakakarelax panoorin. Pumunta na kayo at silipin ang aming Dam. 


Kweba ng Pinagrealan



Ang Kweba ng Pinagrealan ay unang tinawag na Kweba ng Minuyan na magtatagpuan sa "Paanan ng Bundok ng Sierra Madre sakop ng Bayan ng Norzagaray". Ito ay ginawang kampamento ng mga Rebolusyonaryong Pilipino sa pangunguna ni Heneral Sinfroso Dela Cruz. Ito ay naging pangunahing kuta at tanggulan ng mga manghihimagsik nang taong 1896-1897.



"Proyektong Panturismo" 
Bilang Pinal na Kahingian sa Filipino VII


Gng. Rocel G. Desierto
Gurong Tagapayo

Ikaunang Grupo

Bautista, Raphael Christian B.
Cruz, Mark Emmanuel B.
Gallego, Gabriel P.
San Pedro, John Patrick E.
Barcial, Ma. Andrea R.
Cruz, Ariane Mae C.
Esguerra, Zyra May G.
Esteban, Kim R.
San Pedro, Angeline F.



Maraming Salamat po, Pagpalain Kayo Ng Panginoon !!! 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento